Promosyon ng 2026 Spring Festival Gala, inilabas ng CMG
稿件来源:菲律賓商報
2026年01月08日 19:27
Inilabas na ng China Media Group (CMG) ang isang maikling video upang i-promote ang Spring Festival Gala nito na isasahimpapawid sa iba’t-ibang sulok ng daigdig sa gabi ng Pebrero 16.
Ang Spring Festival o Bagong Taong Tsino ay ang pinakamahalagang tradisyonal na bakasyon para sa mga mamamayang Tsino.
Ang panonood ng Spring Festival Gala sa telebisyon ay nagiging isang mahalagang bahagi ng pagdiriwang ng mga mamamayang Tsino sa kapistahang ito.


